Hinaing ng isang Makata

By  JANICE FERANCULLO


Sa pagtakbo ng aking diwa at isipan
Sabay din ang pagsulong ng aking panulat
Minsay walang gana, walang saysay
Minsay inspirado at Ganado.

Mapaglaro ang isipan at ang aking kamay
Nilalabas ang tunay na nararamdaman
Pasalamat ako dahil tanging papel at bolpen
 lamang ang nakakaintindi sa akin.

Sinasalamin nito ang aking mood
Sinisimbolo ang aking pagkatao
Inilalarawan ang aking kakayanan
Ipinapamalas ang aking galing.

Tanging sa ganitong paraan lang ako nakakapagsambulat
Ng aking tunay na kalagayan at nararamdaman.
Kapag makulit, masaya, malungkot, inlove at nayayamot
Sari-saring titik aking napapagsama-sama.

Kung anu-ano ang nabubuo at natatapos
Pero dito ako masaya, ditto ako maligaya
Ibig sabihin ito ang drama ko sa buhay
Ito ang tanging kakampi ko laban sa aking emosyon.

Hindi nyo alam dito lang ako nagsasabi ng totoo
Dito lamang ako nagpapakatotoo at nagpapakatao
Ito lamang ang paraan para sabihin kong
“PINAMAHIWAGA” ang pagiging makata.