Estudyante Blues

By  LADY ANN ISAMIEN NOCHE

Ano nga ba ang kahalagahan ng Edukasyon sa ating mga kabataan ngayon? Katulad pa rin ba ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal? o kagaya na ni Juan Tamad?

Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay may kani-kaniyang landasin sa mundo, at isa sa mga hakbang upang makamit ang minimithing tagumpay ay ang EDUKASYON! Pero ito nga ba ang pinahahalagahan o binibigyang pansin ng ating mag-aaral?

    Ang ipinanganak na may gintong kutsara ay isang magandang kapalaran at pagkakataon upang makapagtapos ng kolehiyo. Ngunit ito ba ay pinahahalagahan nila? Tumira sa malaking bahay, kumain ng tatlo o higit pa sa isang araw, magsuot ng kumportable at kaaya-ayang damit, makabili ng ibat-ibang uri ng aklat upang makatulong sa pag-aaral, at makapag-aral sa mga prestihiyosong unibersidad.

    Sa kabila ng lahat ng iyon nagawa pa rin nilang magpabaya at magbulakbol sa pag-aaral. Sa kadahilanang “I can pay my grades”. Yan silang mayayaman. Sa kabilang banda naman ang mga batang ipinanganak ng nasa kalagitnaan ng pamumuhay- iyon bang makapag-aral dahil sa scholarship na mayroon sila, at sa tulong na din ng mga kamag-anak o miyembro ng pamilya na kumikita. Sila yaong mga mag-aaral na nagsusumikap makapagtapos, at ginagawang inspirasyon ang kahirapan at paghihirap nya sa pagpupursigi na makatapos.

Kahabag-habag na ang mga kabataan sa henersyon ngayon. Ang bawat isa ay may kwento sa buhay at suliranin. Sino nga ba ang dapat sisihin, Edukasyon ba? Kahirapan ba o sarili nila mismo? dahil sila ang gumagawa ng kanilang kapalaran