Liham ng Pagnanasa

By  CLINTON SOLIDUM

Dear Sex,


              Alam ko marami tayong magagandang ala-ala nung tayo'y magkasama sa kama, at matagal na rin na hindi tayo nagkita (matagal tagal na rin) at gusto na kitang makita muli. Sa kasamaang palad, mayroon akong ilang masamang balita. May isang bagay na dapat mong malaman. Hindi na ganun ang nararandaman ko katulad ng dati at sori. Ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko.ngunit...gusto ko malaman mo na may isang taong nagpabago sa aking nararandaman..

Ang kanyang pangalan ay Love. Siya talaga ay nakakamangha at kamakailan lang naging malapit na ako sa kanya. Lagi mo akong pinapaligaya pero minsan sa aking kaloob-looban ay nakakadama ako ng isang matinding pakirandam na hindi ko maipaliwanag at ako'y natulala..napaisip. Akala ko ikaw lang ang kailangan ko..Akala ko sa buhay ko ikaw lang ang nagpapaligaya sa akin, ngunit may iba pa pala. Hindi ako mabubuhay kung ako’y walang puso, hindi dahil para sa aking dugo upang dumaloy, kundi dahil sa binigay mong pagmamahal na bumuhay sa puso kong umiibig na sa iyo.

Hindi ko ginusto na mangyari ito, ngunit nais ko rin sana na nangyari ito ng mas maaga. Gusto na kitang makita palagi. Ang pagnanasa ko sa iyong laman ay napalitan ng pagnanasa na makasama ka magpakailanman.



Nagmamahal,
Puso