Ang pakikibaka ng mga Munting Manggagawa

By  RYAN GALICIA

“Hirap at Sakripisyo ng mga magulang, marapat na ating suklian.”

                 Alam na alam ng marami ang hirap at sakripisyong ginagawa ng mga magulang upang matutustusan lang kahit papano ang pangangailangang pinansyal sa pag-aaral ng mga anak, subalit, marami ang hindi nakababatid sa hirap at sakripisyo ring ginagawa ng mga estudyanteng pursigido talagang mag-aral at mapaunlad ang sariling kaalaman. Mas marami pa nga ang nagsasabing masarap daw maging estudyante, kasi mag-aantay kalang ng allowance, hindi na kailangan ang magtrabaho para dito dahil obligasyon na ito ng mga magulang. Pero ang hindi nila alam, napakahirap talaga ang buhay bilang estudyante kahit pa nga sabihing naghihintay lang ng allowance. 

“Layaw ng katawan ay bawasan, pagiging responsible’y dagadagan.”

Bilang estudyante kailangang gumising ng maaga para magluto ng almusal at maghanda para sa pagpasok sa klase, gustuhin pa mang matulog, hindi na pwede. Ang akala siguro ng mga ibang magulang na ang ginagawa ng mga estudyante ay puro lakwatsa at pabandying-bandying lang imbes na pag-aaral at sabi pa ay aksaya lang daw ng pera ang pagpapa-aral ng anak sa kolehiyo dahil hindi naman daw makapagtatapos, mag-aasawa rin naman daw agad. Hindi naman natin naman natin sila masisi na sabihin ang mga ito dahil naranasan na nila marahil ang mabigo sa mga sariling anak at isa pa opinion nila ito. Pero hindi ba napaka-unfair naman ito para sa mga nag-aaral talaga, yung mga tutok na tutok talaga sa pag-aaral at sinisikap na mapaunlad ang sariling kaalaman para balang araw ay masuklian naman nila ang sakripisyo ng magulang? Madalas silang madamay dahil sa kagagawan ng mga ilang estudyante na nag-aaral “kunu” pero ang totoo’y inom dito’t, inom doon ang ginagawa, daig pa ang mga pensyunado kung umasta, sa paggastos ng pera, ganun-ganun nalang. ni hindi iniisip ang mga magulang na nag-hihirap at halos magkanda-kuba na sa pagtatrabaho para lang maibagay ang kanilang kailangan.

“Obligasyon ay gampanan, upang sa huli’y walang pasisihan.”

Ang mga estudyante ay may  mga obligasyon ding kailangang gampanan. Unang-una diyan ang mga assignments na kailangang sagutan, mg reports para ma-ipresenta, at mga projects na kailangang matapos agad para maihabol sa deadline. Napakahirap talagang gawin ito lalo na kung sabay-sabay na ibibigay ng mga teachers, pero siyempre kailangan paring gawin para hindi masermonan ni sir o ni mam. Obligasyon din ng mga estudyante na making ng mabuti sa guro. Araw-araw maituturing na giyera para sa mga estudyante ang pagpasok sa eskwela.

“Maging determinado sa hamon ng buhay, upang makamit ang tiyak na tagumpay.”

Kailangan nating makipagbuno bilang estudyante para sa sariling pagkatuto. Pero gaano man kahirap, kailangan itong harapin upang makamit ang ninanais na pangarap para sa sarili at sa mga magulang narin. Sana naman malaman o maapreciate din ng mga magulang ang ginagawa ng mga estudyante sa pag-aaral, sana mawala na ang maling- akala nilang paeasy-easy lang ang mga estudyante, na hindi nag-aaral ng mabuti. Mahirap mag-aral, oo, lalo nat nabibilang ka sa mga mahihirap na pamilya, pero hindi ito nangangahalugang susukuan mo na ang iyong nasimulan, bagkus dapat ituloy ang pakikipagsapalaran pagkat tiyak na tagumpay naman ang kapalit sa huli. Hindi bat nakaka-inspire ang mga taong nagtagumpay sa buhay dahil nakapag-aral? Maituturing silang inspirasyon para sa mga estudyanteng kasalukuyang dumaraan palang sa mga mahihirap na hamon sa buhay. Sabi nga ni Bob Ong, “Hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo kung mamamatay kang mahirap padin” dahil hindi ka nagsikap noong kaya mo pa, kaya dapat ituloy lang ito, ituloy lang ang pakikibaka upang sa bandang huli matikman mo ang tamis, bunga ng iyong tagumpay.